PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA

 PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA



Diestro, Monica Laica
Flores, Aira Zylene B.
Laniog, Christine Joyce T.
ManguiatCharisse Chelsea J.
Montano, Charles Deiniel O.
Quirona, Roel Gilbert B.
Rivera, Jhorel Bryan M.
Salisi, Karla Joi P.


            Ang pandemyang dulot ng Covid-19 ay lubos na nakaapekto sa buong sistema ng edukasyon, humigit lalo na sa mga unibersidad, at nagdala ito ng bagong yugto sa edukasyon na kung tawagain ay "e-learning." Ang mga pag-aaral na sinusuportahan ng elektronikong teknolohiya tulad na lamang ng mga online na klase o kaya nama’y pagkakaroon ng koneksyon sa mga portal ng kanilang mga kurso ay kilala sa tawag bilang e-learning.
    
        Ngunit, kahit napakarami mang uri na ng plataporma at online educational resources ang nagagamit ng mga mag-aaral maging ng mga guro, pinagtitibay ng isang pananaliksik na sila pa rin ay lubos na nahihirapang makasabay sa online na estilo ng pag-aaral. Narito ang ilan sa mga problema na kinilala at binigyang-diin.
    
          Ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Pokrel at Chhetri (2021), maraming bansa ang may malalaking isyu sa usapin ng pagkakaroon ng mga digital na kagamitan sa online classes at sapat na koneksyon sa Internet. Pinagtibay humigit din sa pananaliksik ni Murgatrotd (2020), na isang malaking hamon sa e- learning ay ang kakahayang umangkop, makasabay sa pangangailangan at halaga ng bawat teknolohohiya sa pag aaral, habang buhay na pag katuto at iba’t iba pang alituntunin na ipinapatupad sa edukasyon. Kung kaya, napakaraming bansa ang nahaharap sa mahahalagang hamon kung paano mapapanatili ng malakas ang koneksyon sa Internet at pagkakaroon ng sapat na mga kagamitang panteknolohiya. Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman na may ilan pa ring mga mag-aaral ang hirap o kaya na ma’y hindi talaga kayang tugunan ang pangangailangan na ito. 

            Bilang suporta sa aming naging konklusyon, inihayag ng pag-aaral ayon kay Elumalai, (2020) na ang mga positibong resulta ng pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik ukol sa kalidad ng e-learning ay makakatulong sa mga gumagawa ng patakaran ng bansa sa pagbibigay ng mas maayos na proseso ng pagkatuto sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19. Gayundin, sa pamamagitan ng mga resultang kanilang nakalap, mas nasiyasat nang husto na ang kahalagahan ng bawat mga aspeto at mga paraang naaayon para rito ay bukas para sa ikabubuti pa ng kalidad ng e-learning sa bansa. 

References: 

Chhteri, R. & Pokhrel, S. (2021). A Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching and Learning. Retrieved from https://journals.sagepub.com/doi/full/ 10.1177/2347631120983481 

Elumalai, K. et.al (2020) Factors Affecting the Quality of E-Learning During the COVID-19 Pandemic from the Perspective of Higher Education Students. Retrieved from https://doi.org/10.28945/462

Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM