TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

 



ANG PAGGAWA NG TULAY

Unang Hakbang

Ang unang hakbang ay ang pagpapalano at pag-inspeksyon sa lugar kung saan itatayo ang proyekto. Kasama sa pagpaplano ay ang mismong kabuuan ng magiging resulta ng tulay na gagawin at ang proseso sa pagbuo nito ay inilalatag kaugnay nito ay ang disenyo ng gagawin. Maaaring sa computerized na paraan o sa pasulat na paraan ng plano. Ang pag-inpeksyon naman ay binubuo ng poagsusuri sa lupa, lalim, layout ng lupa at iba pang elemento katulad ng behavior ng tulay at kasama na rin ang kondisyon ng kalikasan.

Ikalawang Hakbang

Ang ikalawang hakbang ay ang pagbuo at pagtatakda ng pundasyon. Matapos ang pagpaplano ay pipili ng matatag na lokasyon at nagtutulak ng mga suporta sa tambak na lupa. Ang paglalagay ng pansuportang haligi ay nakapaloob din dito na siyang magsusuporta sa mga ibang pagkakataon sa pagbuo ng natitirang bahagi ng tulay.

Ikatlong Hakbang

Ang ikatlo ay ang pag-install ng piers iba pang pansuporta. Pagkatapos mailagay ang mga pundasyon at pansuportang mga nasa ilalim ng pier. Ang sunod na gagawin ay ang pagtatayo pataas hanggang sa maabot ng pier ang natukoy na taas nito. Sa paggawa nito ay maaaring kongkreto ang gamitin o kaya ang pinagsamang bakal at iba pang materyales.

Ikaapat na Hakbang

Ang sumunod na hakbang ay ang paglalatag at pagdadagdag ng superstructure. Ito ay ang nasa itaas na parte ng tulay na magsisilbing tatanggap ng bigat, kabilang dito ay ang mga kable, pansuportang biga at mga latticeworks.Sa paggawa nito ay gumagamit ng iba't ibang mga materyales at ang pagkalab ng istrakturang nagpapanatili ng mga suporta sa mga natural na pwersa kabilang ang hangin at grabidad.

Ikalimang Hakbang

Ang ikalima at huling hakbang ay pangwakas na inspeksyon batay sa kaligtasan at kalidad ng proyekto. Ito ay isinasagawa pagkatapos ng konstruksyon. Gumagamit ng crane at bridge boom ang mga manggagawa sa pagtiyak na ang kalidad ay naabot ang lahat ng pamantayan. Ang hakbang na ito ay kailangan upang malaman, alisin at tugunan kung anuman ang depekto sa nasabing proyekto at upang makatuloy na rin sa pag-install ng paynal ng paving at electrical systems.

Ang pag-aanalisa sa nasa sa hakbang ng paggawa ng tulay ay upang malaman ang tamang pagkakasunud-sunod ng prosesong ito. Ito rin ay upang malaman ang mga detalyeng nakapaloob sa bawat hakbang nito. Ito rin ay ang magsisilbing gabay sa mga manggawa at maging sa mga indibidwal na gustong malaman ang impormasyon na ito kabilang ang mga mag-aaral sa kursong inhinyerong sibil. Makakatulong ito sa paraan ng tamang paggawa upang mailahad ng angkop ang bawat gagawin sa isang proyekto. 


Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA