TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

 ni JHOREL BRYAN M. RIVERA

 

      Dapat bang sang-ayunan ang ginagawang pananakop ng Russia sa ba bansang Ukraine? O dapat maging taliwas ang opinsyon natin dahil sa  mga posibleng mangyari sa pagpapatuloy ng digmaan ng mga bansang ito? At sa kaakibat na kahihinatnan nito ay ano kayang magiging epekto nito sa mundo at maging sa mundo ng pag-iinhinyero? Tunay ngang napaka-init ng usaping ito ngayon at dapat bigyang pansin. Nararapat lang din na magbigay ng papanigan ang isang indibidwal ukol ditto. Malaking parte ang pangyayaring ito sa ating buhay kung kaya’t nararapat lamang na bigyang pansin ang digmaang ito at dito ko napag-isipan at nakalap ang pagpanig ko sa argumento ukol sa usaping ito.

 

      Sa digmaang nagaganap sa pagitan ng Ukraine at Russia ay hindi lamang ito babago dahil sa aking nakalap na impormasyon ay may mas malalim pala itong pinagmulan at yan ay nasagot ng kasaysayan. Itong hidwaang ito ay nagsimula taong 1991 nang mabuwag ang samahang kinabibilangan ng 14 na bansa kabilang na rito ang Ukraine na pinamumunuan naman ng Russia na ang samahan ay tinatawag na USSR. Sa pagkakabuwag nito ay ilan sa mga bansang kabilang dito ay nakuha ang kalayaan at nagpatuloy bilang indepenteng bansa. Ang iilan naman ay nanatiling bansang may kaugnayan pa rin sa bansang Russia. Ang Ukraine naman ay tila ba hati ang nangyari sapagkat ang kanlurang bahagi nito ay pabor sa demokratikong pamamahala ng Europa at ang silangang bahagi naman nito ay mas piniling pumabor sa Russia ukol sa usaping political. Sa taong 2013, Ang nanalong presidente ng Ukraine ay isa Pro-russia o ito ay pabor na mas panigan ang Russia at hindi ang Europa. Nais nitong itigil na ang suporta sa Europa at ibabaling ang pamahalaan sa pagsuporta sa Russia na lamang. Dahil ditto ay nagalit ang mga nasa kanlurang bahagi ng bansang Ukraine kung kaya’t inilunsad ang protesta na tinawag na “Euromaidan Protest”. Sa kadahilanang ang gabinete ng bansa ay pabor sa Europa, napagbotohang patalsikin ang president taong 2014. Wala na sanang problema nang biglang umatake naman ang mga rebeldeng mga separatista na mga suportado ng Russia. Dito ay ang pagsulpot din ng pagkakabilang ng Crimea sa Russia na hindi rin nagustuhan ng Ukraine at hindi kinilala ng iba pang mga bansa. Sa kadahilanang ang Crimea ay sumusuporta sa Russia, ikinagalit din ng mga ito ang pagpapatalsik sa president kung kaya’t napagbotohang sa Russia sila kakampi ngunit sabi ng Ukraine at iba pang mga bansa ay hindi maaari iyon kung kaya’t sumagot sa Pangulong Putin ng Russia na nagging malinis naman ang botohan ang pangitang-pangita na sa Russia ang gusto ng Crimea. Dahil sa gulong ito ay sumali na ang ibang bansa upang mamagitan dito kabilang na ang pagpasok ng NATO.

 

     Sa pagpasok ng NATO o North Atlantic Treaty Organization at ng iba pang mga bansa ay napagkasunduan na ang dalawang panig ay magkakaroon ng ceasefire na inakalang matatapos na ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa ngunit taliwas pala ito sa inaasahan nila sapagkat noong 2015, Sa paraan ng Cyberhacking ay umatake naman ang mga Russian na nagging sanhi ng problema sa systema ng Ukraine lalung-lalo na ng mawalan ng kuryente ang malaking parte nito. Dahil dito ay naglunsad ang NATO ng malawakang pagsasanay na kinabibilangan ng lib-libong mga military at ilang mga bansa sa silangang bahagi ng Europa na katabi ng Russia. Dito rin napag-alaman na nais ng Ukraine na sumali sa NATO kung kaya’t ditto ay nagalit ang pangulo ng Russia na si Putin at nagbanta agad na aatakihin nito ang Ukraine kung ito ay sasali sa nasabing organisasyon. Ngayon ay umaatake na ang Russia at ito ay pinangangambahang lumawak kung may ibang bansang maaaring madamay na makakapagpasimula ng sinasabing World War 3. Kaya bilang sagot sa unang tanong ay marahil napakakomplikadong usaping ito ngunit ako ay hindi sumasang-ayon sa pananakop ng Russia sa bansang Ukraine. Sa mga nakalap kong mga impormasyon at sa kasaysayang aking nalaman. Ito ay nagpapakita ng kagahamanan ng Russia. Gusto nitong kuhanin uli pabalik ang Ukraine at pamahalaan ito katulad ng nasa USSR noon. Marahil ayaw nilang sumapi sa NATO ito dahil hindi na nila mahahawakan ang bansang ito kung magkataon. Ngunit sa isang hindi nagkakaisang bansa ay magiging masalimuot pa rin ito at mahihirapang magkasundo sa magkasulangat na mga panig ngunit ito ay magsisilbing mitsa ng kaguluhan sa buong mundo kung hindi maiisaayos. Sa parte naman ng Russia, Sila ay isang makapangyarihang bansa kung kaya nila ito pinagpapatuloy. Sa pagsang-ayon ko dito ay kabilang ang pagkadismaya sa Pangulo ng Russia na si Putin dahil pinairal nya ang mali sa paghawak ng mga usaping katulad nito. Mas nanaig ang kapangyarihang kaya nilang manipulahin ang mas maliit na bansa kaysa sa kanila. 


        Ang kalayaang pumili ay naging magulo rin dahil sa hindi pagkakaisa ng bansa kung kaya’t lumakas din ang loob ng Russia upang sakupin sila sapagkat kalahati ng Ukraine ay sa kanila ang panig. Ito ay maaaring maging Malala at humantong sa pandaigdigang digmaan kung kaya nararapat lamang na ito’y hindi sangayunan. Marami ring dalang masamang epekto ito maging sa atin kahit na malayo ang bansa natin sa kanila at kasabay nito ang epekto sa pag-iinhinyero. Isang bagay na naramdaman ngayon ay ang patuloy na pag-angat ng presyo ng mga produkto. Ang sanhi ng kadahilanang ito ay dahil maraming kumpanya sa bansang kabilang sa digmaan na natitigil ang operasyon kung kaya’t nagmahal ang mga produkto at bumabagal ang proseso dahil na rin sa maraming trabahador ang apektado. Sa pagtaas ng produkto lalung-lalo na ang petrolyo ay kasabay nito ang pagmahal ng iba pang mga bagay sapagkat ito ay isang pangunahing pangangailangan lalung-lalo na sa transportasyon kung kaya’t maging ang mga kailangan bilang inhinyero ay nagmamahal din katulad ng mga materyales na ramdam na ramdam ang pag-angat ng presyo. Sa usapin pa ng mga imprastraktura ay marahil nakakapag-isip rin dahil apektado rin ang  mga Global Business Service dahil sa mga tauhan nito. Sa pagpapatayo ng mga imprastraktura ay isasa-alang alang na rin ang mga posibilidad dahil hindi rin inaasahan ang mga maaaring mangyari katulad ng digmaan.

 

         Sa pagpapatuloy ng pangyayaring ito, Tunay ngang malaking epekto ang hatid nito at may mga  bagay na dapat sang-ayunan at maraming dapat hindi na dapat natin isaalang alaang ang kapakanan ng lahat at ng iba’t iba pang maaaring kabilang sa masasakupan ng pangyayaring ito. Malaki ang epektong dadalhin nito sa atin kung kaya dapat tayong mabahala at magkamayroon ng boses kung ano ang dapat at hindi dapat bilang tulong na rin sa bansa at ibang maaaring makabilang dito katulad ng mga propesyon na ang pag-iinhinyero ay isang halimbawa at ang iba pa. Hindi lang sa pansarili bagkus mabuting pagusapan ang pangyayari sa mundo upang maging handa kung anuman ang mangyari. 

Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA