BAYAN O SARILI

 

BAYAN O SARILI

Ang Kabataan ay sinasabing pag-asa ng bayan. ngunit paano ito magiging isang ganap na katotohanan kung ang mga ito ay may sarisariling hadlang sa pagkamit ng pag-asang bayan at sarili ang makikinabang.

I.          Adhikain ng ating bansa

A.   Pagpapaunlad ng ekonomiya

B.   Kaligtasan ng mamamayan

C.   Pagkakaisa ng buong nasasakupan

 

II.        Hadlang sa mga kabataan

A.   Walang kakayanan

B.   Mga bisyo nakakahila sa mga ito pababa

C.   Kakulangan sa gabay ng nakakatanda

III.     Mga hakbang sa pag-abot ng kaunlaran

A.   Kaayusan ng lahat ng mamamayan mapa-anong edad

B.   Pagtulong sa iba tungo sa kabutihan hindi sa kasamaan

C.   Sama-samang pagtagumpayan at walang lamangan

 

 

 

             

BAYAN O SARILI 

Hakbang pasulong na! Kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa. Marahil lahat sa atin ay alam kung saan ang pinanggalingan nitong unang mga binanggit kong salita. Dito ay papasok agad sa ating isipan ang kasanayan ng ating mga hukbong pandigma at hindi lamang iyan, bumabalik din tayo sa ating mga ala-ala ng kabataan sa pagsasanay ng pagiging boy scout at girl scout. Kapag na-aalala ko ngayon ang mga bagay na ito ay napapagtanto ko ang mas malalim na kahalagahan nito at ito ay ang pagiging isang kapaki-pakinabang na mamamayan bilang isang kabataan. 

            Maraming bagay ang ating natutunan noon. Ang pagiging disiplinado at handa sa kung ano man ang dumating sa atin ay alam na natin ang ating maaaring gawin. Kung iuugnay natin ito sa nais na makamtan ng ating bansa ay maaari muna nating alamin kung ano ang hangarin nito. Sa mga nagdaang panahon ay nangangailangan ang ating bansa ng sapat na kakayahan upang ang bawat isa ay matugunan sa kani-kanilang pangangailangan. Pangalawa ay ang kaligtasan mapakalusugan man sa pisikal at mental na lalung-lalo na sa panahon ngayon ay nagsisilbing malaking parte ng buhay nating mga Pilipino dahil sa pandemya. Kasunod nito ay ang pagkakaisa ng mga mamamayan upang maging madaling makamit ang napakarami pang mga adhikain.

            Bilang isang kabataan ay maraming bagay ang maaari natin maimbang tungo sa kaunlaran ng ating bansa upang mabuhay muli ang nawawalang mithi na tayo ang magsisilbing buhay ng pag-asa. At kalakip ng mga ito ay ang mga posibleng maging hadlang na makakapigil sa pag-abot natin nito. Naririyan ang mga bagay na masasabing ang isang kabataan ay walang kakayanan. Walang kakayanang makapag-aral marahil salat sa kayamanan na nagsisilbing sagabal sa pagpapatuloy ng nais na daang tatahakin sa hinaharap. Isa rin ang bisyo na dala mula sa iba’t ibang pamamamaraan na humahantong sa pagkalulong ng isang inosenteng kabataan. Ang kakulangan sa gabay ng nakakatanda ay isa ring posibleng maging hadlang sapagkat walang tatayong mabuting ehemplong tutularan ng kabutihang maaaring mailaganap sa iba. Gaya nga ng sinabi ko ay ang mga hadlang na ito ay may kalakip rin na bagay na magsisilbing ambag natin sa lipunan at hakbang tungo sa kaunlaran. Isa na rito ang solusyon sa hadlang na mga binanggit ko na ang pagkilos ng nakakatanda ay dapat maging tama upang sumunod ang mga kabataan. Dahil sila ang magsisilbing gabay. Kasabay nito ay ang pagkilos rin nating mga kabataan dahil kung hindi man natin makitang maayos ang mga nakatatanda sa atin ay maaaring tayo ang maging ilaw sa kanila upang bumangon mula at mamulat ang lahat. Ang hindi pagiging makasarili ay isang katangian na magiging malaking parte ng pagsasaayos ng lahat sapagkat hindi lang isa ang aangat kundi lahat dahil sa pagtutulungan tungo sa kabutihan at hindi sa kasamaan. Dito ay makakamit natin ang tagumpay ng sama-sama ng hindi nag-iisip ng pataasan ng antas sa lipunan bagkus ang iisipin ay ang kapakanan ng lahat para sa bansa. 

             

        Tunay ngang nararapat na bigyang pansin ang lahat ng ito kung kaya’t dapat tayong kumilos lalung-lalo na tayong mga kabataan dahil lubhang inaasahan tayo ng ating bansa. Mulat na tayo sa reyalidad at pawang mga sarili lamang natin ang dapat nating ihanda upang makita ng lahat na tayo ay ang magsisilbing pag-asa at magiging isang kapakipakinabang na indibidwal na mag-aangat sa ating bansa kahit pa anong hadlang ang dumating sa bawat isa sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA