Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral



Diestro, Monica Laica
Flores, Aira Zylene B.
Laniog, Christine Joyce T.
Manguiat Charisse Chelsea J.
Montano, Charles Deiniel O.
Quirona, Roel Gilbert B.
Rivera, Jhorel Bryan M.
Salisi, Karla Joi P.


Talahanayan Bilang 1 Kasarian ng mga Kalahok / Impormants



Interpretasyon 

    Ang mga datos na aming ipinapakita ay mga impormasyon patungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral. Sa mga nakalap na mga datos, maipapakita sa unang grapiko ang bilang ng mga kasarian ng mga nakilahok sa isinagawang pananaliksik. Ayon sa datos, ipinakikita na pantay at tig-kalahati ang nakalap na bilang at porsyento ng mga importants na babae at lalake. Ipinakikita sa unang grapiko na (90) siyamnapu ang nakalap na mga impormants sa nasagawang pananaliksik, kung saaan (45) apat napu’t lima o kaya’y (50%) singkwenta porsyento rito ay kababaihan gayundin sa kalalakihan na may (45) apat napu’t lima o kaya’y (50%) singkwenta porsyento. 

Talahanayan Bilang 2 Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina
                                                       
Interpretasyon

    Ipinapakita sa Talahanayan bilang dalawa ang mga datos ukol sa Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina. Mayroong walong disiplina ang ginamit sa pananaliksik bilang batayan upang malaman ang estado ng perpormans o pagkatuto ng mga estudyante. Makikita rito na sa kabuuang bilang nga mga mag-aaral ay tanging piling sector ng disiplina lamang ang nakaabot sa pamantayang grado na idinedeklara ng paaralan. Makikita sa grapikong ito na ang mga sumusunod na disiplina tulad na lamang sa MAPEH at Edukasyon ng Pagkatuto ay ang siyang mga nakaabot sa porsyento ng pamantayang grado ng paaralan. Samantalang ang mga disiplinang tulad na lamang ng Math, Science, English, Filipino, Araling Panlipunan at TLE ay kapaloob na sa listahan ng mga may kabuuang mababang porsyento ng pagkatuto ng mga mag-aaral o sa kabilang banda ay mga disiplinang hindi na nakaabot sa itinakda ng sangay ng paaralan. Sa mas malinaw na interpretasyon, ipinapakita nito na ang MAPEH na may kaukulang 77.788 % ay ang siyang may pinakamataas na kabuuang porsyento sa pagkatuto at maaaring nagpapahayag na mas maraming mag-aaral ang siyang mas aktibo at mataas ang lebel ng pagkatuto humigit lalo na sa panahon ngayong pandemya. Ngunit kasalungat nito ang pagpapakita ng pinakamababang kabuuang porsyento ng pagkatuto sa disiplina ng English na kung saan ay mayroon lamang na 67. 612%. Ito ang disiplina kung saan ipinapahayag na maaaring sa aspetong ito ay higit na nahihirapan ang mga mag-aaral na makasabay at matuto ng maayos o mabilis. Dito ipinapakita na maaaring ang mga piling disiplinang ito ay ang siyang dapat unawain at bigyan ng sapat na atensyon upang mas linangin ang paraan ng pagtuturo sa mga estudyante upang maipataas lalo ang kanilang kabuuang porsyento ng pagkatuto. 

Talahanayan Bilang 3 Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants 



    Ipinakikita sa ikatlong grapiko ang datos ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag aaral ng mga Kalahok/ Impormants. Nakatala ang listahan ng (13) labintatlong rason o posibilibidad kung bakit ganun na lamang naaapektuhan ang pag-aaral o kaya nama’y perpormans ng mga estudyante. Makikita rito na ang dahilan ng kawalan ng Internet Connection ay ang siyang may pinakamalaking resulta o mean na 4.59 na sinundan naman ng Kakulangan sa Gadget/s na may kaukulang mean na 4.57. Ang mga rasong ito ay ang tunay na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante sapagkat sila’y nasa kasalukuyang set-up ng edukasyon na kung tawagin ay E-Learning o Online Classes. Kasabay sa new normal na dulot ng pandemyang ito, ay ang pagsabay rin sa mga pagbabagong dulot nito tulad na lamang sa pag-aaral na kinakailangan ng mga teknolohiyang mga gamit at humigit ang internet connection upang makasunod at makasabay parin sa edukasyon. Ngunit hindi lahat ay mapalad na magkaron ng sapat na pangangailangan nito kunga kaya’t nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Samantala ang may pinakamababa namang datos ay ang “Pagkakaroon ng Malubhang Sakit” na may mean na 1.54 na sinundan ng Kakulangan ng Suporta ng Gobyerno na may mean na 3.02. Nagpapahayag lamang na ang mga salik na ito ay ang siyang hindi gaanong nakaapekto sa pag-aaral ngunit kinakailangan paring bigyan ng higit na atensyon humigit lalo na panahon ng pandemya na ito. Kinakailangang mapanatili humigit lalo na ang maayos na kalusugan, pisikal man ito, mental at lahat ng aspeto. Gayundin ang pagkakaron ng sapat na suporta mula sa gobyerno sapagkat hindi lahat ng pamilya ay may sapat na pantustos ng pangangailangan

Konklusyon 

    Sa nagawang pananaliksik patungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral, mula sa 90 impormants, isinaad ng mga datos na sa kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok ay makikita na isa mula sa walong mga disiplina lamang ang pumasa batay sa pamantayang grado na idinedeklara sa ng paaralan at ito ay ang sa disiplina ng Edukasyon ng Pagpapakatao. Makikita rito na sa panahon ngayon ng pandemya ay mas kinakailangang pang paigtingin ang paraan ng pagtuturo sa panibagong set-up ng pandemya na kung tawagin ay Online Classes. Ito ang tinaguriang new normal sapagkat hindi pa muling isinasagawa ang tradisyunal na edukasyon kung saan ay tinatawag na Face to Face Classes. Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral dulot ng pandemya. Hindi lahat ng mga estudyante ay kayang makasabay sa panibagong set-up kung kaya’t ganun na lamang ang naging resulta ng kabuuang porsyento ng kanilang pagkatuto. Kaya batay sa datos na ito ay inaanyayahan ang mga guro o paaralan na mas paglinangin ang mga paraan sa pagtuturo upang tumaas at mahila ang mga disiplinang hindi nakaabot sa pamantayang grado.

       Gayundin naman, isa sa pinakamataas na salik na nakakaapekto sa pagaaral ng mga kalahok ay ang Kawalan ng Internet Connection. Sa kabuuan ng konklusyon, ang implikasyon sa pandemyang ito ay ang lubos na pagkaapekto sa pang-akademikong perpormans ng mga magaaral. Ang pinakamataas na salik na nabanggit ay ang siyang humahadlang o sumusubok upang magkaroon ng maayos o kaya nama’y aktibong partisipasyon ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon, iba’t iba ang estado o kalagayan ng bawat mag-aaral. Kung kaya’t napakaraming salik ang maaaring pagmulan ng pagtukoy sa kung ano ang nakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Ngunit, ipinapakita lamang sa mga datos na ito na mas higit na kailangan ng mga mag-aaral ang sapat na koneksyon sa internet upang makasabay at makapagpatuloy sa maayos na edukasyon, sa kadahilanang ito na ang midyum para sa bagong set-up ng Online Classes. Maaaring sa pagtugon sa salik na ito ay tumaas ang porsyento o estado ng mga mag-aaral sa kanilang perpormans sa edukasyon at mas umigting ang aktibo at maayos na daloy ng pagtuturo.

    Sa kabuuang ito, ipinapahayag lamang ng mga datos na ito na sa kabila ng kinahaharap na pandemya ng bansa at pagsabay sa mga pagbabagong dulot nito ay higit na kinakailangan at panatilihin ang maayos at kalidad na edukasyon para sa mga estudyante. Kinakailangan lamang maunawaan saang aspeto o disiplina ang kailangang bigyang atensyon at ano ang salik na kailangang mas bigyan ng aksyon upang sagayon ay hindi mapabayaan ang estado ng kanilang edukasyon


Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA