TEKSTONG IMPORMATIBO - NEOLOHISMO

                TEKSTONG IMPORMATIBO

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                                    “NEOLOHISMO”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                   RIVERA, JHOREL BRYAN M.

                                                                   BSCE 3-1

           

NEOLOHISMO

 

Ang salita ay isa sa  pinakamakabuluhang bagay na mayroon sa mundo. Sa pagbuo nito ay ang pagbuo rin ng kasaysayan at nagpapatuloy kahit saan man. Sa paglikha nito ay may tinawag na Neolohismo na isang paraan upang madagdagan ang salitang likha at tawag sa isa o higit pang bagay. Ito ay ang pagbuo ng salitang may bagong pandama, bagong coinage, mga hangong salita, pagdadaglat o pagpapaikli at marami pang iba na kinokonsidera bilang wika noon pa man. Ang paglitaw nito ay may koneksyon sa pormal na edukasyon at sa mga salitang nabibilang din ditto na kung tawagin naman ay balbal at kolokyal.

 

 

ANG MAS MALAWAK NA KAHULUGAN NG NEOLOHISMO

 

  Ang neolohismo ay nangangahulugang “bago” na may kahulugang “pananalita, pagbigkas”. Nabibilang dito ang mga salita, parirala at bagong temino na karaniwang ginagamit bilang pangkaraniwan na dumaraan sa proseso, ngunit ito ay hindi tanggap bilang wikang pang araw-araw. Ito ay ang pagbuo ng baong salita o maaari ring bagong kahulugan ngunit kinokosedara bilang impormal na salita. Ito ay isang bagong termino,na kadalasang pumupukaw ng mga pagbabago sa usaping teknolohiya at kultura, ang neolohismo ay kadalasang tumutukoy sa isang tiyak na tao, lathala, panahon, o pangyayari. Sa kabilang banda ay ang prelohismo na mas may gulang kung sa proseso ng pagbuo ng wika ang Neolohismo. Ito naman ay ang nasa pagitan ng protolohismo na kakalkha at neolohismo bilang bagong salita na may panimulang yugto ay ang siyang tinatawag na preloshimo.

 

 Sa pagbuo ng mga salitang ito ay ay ipinakikilala sa tiyak na wika. Nilikha ang mga ito sa pangangailangan upang maipahayag ang katotohanan sa isang bagong konsepto. Ayon sa Royal Spanish Academy o RAE, ito ay "isang salita, isang kahulugan o isang bagong pag-ikot na tinatanggap sa loob ng isang tukoy na wika". Ang mapagkukunang ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng paraan kung saan ito nabuo, at pinagmulan, halimbawa, sa pamamagitan ng mga termino at kung paano ito ibabagay mula sa iba’t ibang wika o ang pag-uugnay nito sa mga buhay nang mga salita sa isang wika. Ang pangunahing tagalikha naman nito ay ang teknolohiya, agham at komunikasyon. Nararapat na na tandaan na ang mga ito ay tumigil na maging isang bagong pag-ikot sa isang wika pagkatapos ng isang tiyak na oras ng sampung taong paggamit  o kapag ginawang normal ng akademya sa pamamagitan ng pagdagdag nito sa diksyonaryo upang mapatunayan ang pagiging isang kapaki-pakinabang nito.

             

  Mayroon ding uri ang Neolohismo. Ito ay ang neolohismo ng form, semantiko, istaylistik, functional, panlipunan at teknolohikal.

 

 

Neolohismo ng form

 Ito ay galing sa pagbabagong morpolohiko ng mga salita o mga nasa wika ng mga salita. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang photojournalism, social Christian, liberal democrat o pope mobile.

 

Neolohismong Semantiko

 Ito ay tumutukoy sa mga salitang bahiga ng iasng wika ngunit kahit ganito ay kinukuha sa parehong wika na may ibang kahulugan sa iba pang mga lugar sa pagtatalaga ng iba pang element at aspeto nito. Ang halimbawa nito ay search engine, viral at virus o parquet.

 

 Neolohismong Istaylisko

  Ito ay ang mga salitang inililipit sa kadahilanang pagbibigay ng mas sensitibo at positibong tono sa isang ekspresyon o termino na konektado sa pangkaraniwang gamit ng isang salita. Ang mga salita ay nakalaan sa pagbabago ng pang-unawa sa mga bagaybagay kulad ng namatay, madilim at bulag o gig.

 

Neolohismong functional

  Ang uring ito ay nauugnay sa pangangailangan na karagdagang salita sa isang wika dahil sa pagtatalaga ng isang particular na bagay o sitwasyon na walang ibang paraan kung hindi ang pagbago nito. Ang mga salitang banyaga ay kabilang sa uring ito.

Pinapayagan ng uring ito ang termino sa komunikasyon na maging mas pabagu-bago. Ilan sa halimbawa nito ay ang kilo, dyirap, uod at fireproof.

 

Neolohismong panlipunan

  Ito ay tumutukoy sa uring kaugnay sa mga salitang naglalarawa o tumutukoy sa mga aspeto na konektado sa lipunan. Kaugnay nito ang mga kultura at kilos sa moral ng mga tao. Ilan sa halimbawa nito ay komite, welga, pagpupulong at sama-samang kasunduan.

 

Neolohismong teknikal

 Ito ay nauugnay sa mga twists na nakapaloob sa teknolohiya at agham ang nabubuong mga salita. Karaniwang pinagmumulan nito ay sa ibang wika katulad ng sa Espanyol mula sa salitang Ingles. Ito ay ang masasabing pinakagamit na uri sa panahon ngayon. Ang halimbawa nito ay scanner, server, selfie at cyberspace.

 

ANG SALITANG BALBAL AT ANG KAIBAHAN NITO SA KOLOKYAL AT PATI NA RIN SA NEOLOHISMO

 

           Ayon kay bentuzal, ang Kolokyal ay ang mga salitang nabubuo sa pamamagitan ng pagpapaikli ng isang salitang pormal. Ang bersyon ng pagkakasulat dito ay nangangahulugan rin ng pinagkunang salita ngunit binabawasan ang letra nito. May tagalay itong kagaspangan ngunit maaari ring malinis o pino ang pagkakabuo batay sa indibidwal na nagsasalita nito at sa tagapakinig. Ayon naman kay gentiles, Ang balbal naman ay katulad rin ng kolokyal na parehong di-pormal. Ito ay naging iba lamang sapagkat ito ay ang tinatawag nating “slang” kung sa ingles. Ito ay nabubuo sa pagsasama-sama ng wikang Filipino at maging iba’t ibang wikang banyaga. Ito ay kadalasang tinatawag ring “salitang-kalye” at bilang ito ay iasng di-pormal ay kinokosidera itong mababang antas ng wika.

 

  Sa pagkakaiba ng dalawa ay masasabing ang pinagmulan nito at ang pagkakagamit ang hindi pinagkapareho. Nagkaiba rin ito sa mga indibidwal na paggamit nito dahil ang balbal o ang slang ay karaniwang ginagamit ng mga taong nabibilang sa isang pangkat o grupo sa lipunan at pati na rin ang magkakakilalang tunay sa mga personal na buhay. Sa kabilang banda, ang kolokyal naman ay ang karaniwang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pagsasalita na gaya ng naunang mga paliwanag ay ito ay di-pormal. Sa pagkukumpara ng dalawang ito ay kahit pa ang mga ito ay parehong di-pormal na wika ay masaabing mas pormal ang kolokyal sapagkat mas maayos itong pakinggan at hindi nakakasakit ang tunog hindi katulad ng balbal. Sa usapin ng bokabularyo at talasalitaan naman ay kung sa balbal ay sa kadahilanang nilikha ng mga gumagamit ito kaya malaki ang posibilidad na magbago ito ng may oras hindi katulad ng kolokyal na maaaring mas matagal na umiral kaysa sa mga salitang balbal. Sa kung paano naman ito nabubuo at kung ihahambing sa neolohismo ay may kaibahan din ang mga ito sa bawat isa. Ang neolohismo ay nabubuo ang komposisyon nito sa pamamagitan ng dalawa o higit pang mga termino sa loob ng isang wika.Ang pagsasama ng mga salita ay nagsisilbing daan upang makabuo ng bagong kahulugan at nagpapalawak din ng leksikon.Maaari ding ang mga salita ay nilikha sa pamamagitan ng pinagkukuhanang ito ay ang mga orihinal na kung saan dinadagdagan ng mga panlapi ang binabatayang termino at maging sa bagbuo nito ay maaari ring ito ay galing sa kabuuan ng isang hango o komposisyon. Ang isa pang pinamumulan nito ay ang mga salitang mahahaba at para ito ay madaling maalala ay binibigyan ito ng acronym na nabubuo sa pagsasama ng mga inisyal ng mga termino na nagsisilbing daan upang maging simple ang termino ng salita. Ang balbal naman ay nabubuo galing sa ibang mga salita na ginagawang tunog kanto o ‘yung mga madaling kumapit sa termino ng isang pangkat. Maaring mabuo ito sa pamamagitan ng pagbabaliktan ng patnig ng isang salita at maaari din namang bagong salita na hindi malaman kung san nanggaling ngunit akma naman sa orihinal ng salitang paggagamitan. Ang kolokyal naman ay simple lamang ang maaaring paraan ng pagkakabuo nito. Ito ay ang pagtanggal ng isa o higit pang mga titik sa orihinal na salita. Sa madaling sabi ay pinapaikli nito ang termino upang mas mabilis banggitin nang hindi nagbabago ang ibigsabihin nito.

 

 

ANG NAIDUDULOT NG NEOLOGISMO SA LARANGAN NG EDUKASYON AT MAGING SA IBANG LARANGAN

 

  Sa paglipas ng panahon ay lumalawak ang wikang Filipino. May mga nagsasabing patay na raw ang wika kung wala itong tiantanggap na pagbabago ngunit dahil sa pagusbong ng neolohismo ay naging malaking impluwensya ito at tila marami ang nangyaring pagbabago. Dahil dito ay naging usapin din ito sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang umunawa ng mga makabagong salita na umuusbong sa mga bagong henerasyon. Ayon naman kayna Austria et. al.  (2020), Ang Pilipino ay likas na malikhain sa maraming aspekto lalung-lalo na sa kanyang wika kung kaya’t sa paggamit ng wikang ito ay nagiging dahilan sa paglawak ng bukabularyo nito. Batay sa sinabing pahayag na ito ay masasabing nakakatulong ang wika sa pagpapalawak ng bukabularyo kung laging gagamitin kung kaya’t may mabuti at masamang dulot naman ito kung ang pag uusapan ay ang neolohismo. Ang kabutihang dulot nito ay maaaring maraming madagdag na salita sa ating wika at lalawak ito ngunit sa kabilang panig ay maaaring maging masama ang epekto nito lalung-lalo na sa edukasyon dahil masasanay ang mga tao lalung-lalo na ang mga mag-aaral na gamitin ito at kalimutan na ang orihinal na salita at maalis ang kakanyahan at tunay na katuturan ng pormal na edukasyon. Dahil din sa pagiging impormal ng mga salitang ito ay hindi magiging maganda sa pag-uusap dahil sa kung nasa paaralan ang isang indibidwal ay nararapat lamang na maging pormal ang maging usapan ng mga ito.  Ayon naman kayna Quia et. al. (2018), ang mga neolohismo ay maaaring magsilbing tanda ng pagkamalikhain at pagkamasayahin ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri ng salita, naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang saloobin nang may ganap na kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya. Dahil dito ay makikita natin na isang bahagi na ng kultura natin ang mga wikang ito na isang magandang bunga dahil sa dulot nitong saya at kaalwanan ng paggamit sa atin. Naibabase lamang talaga sa kanyakanyang paggamit at layunin nito kung magiging masama ang dulot nito o mabuti.

 

KONKLUSYON

 

  Ang Neolohismo ay isang makabuluhang bagay na nabuo lalung higit sa ating wika na wikang Filipino. Iba’t ibang uri nito ay maraming sangay ang nakapaloob at kenektado lalung higit sa kung paano ito nabuo at ang kasaysayan at pinagmulan ng mga ito ay kinakailangan ding malaman man lang lalo na sa pag-aaral. Ito man ay isang di-pormal na uri ng wika ay ang ambag naman naito sa pang-araw-araw na pamumuhay natin ay napakalaki. Sa edukasyon man ay maaaring may masama itong maging epekto ngunit sa tamang paggamit at kalugaran ng paggamit nito ay magiging kapaki-pakinabang pa rin ito sa ating mga buhay.

 

 

 

SANGGUNIAN

 

Austria, J. et al. (2020) Epekto Ng Paggamit Ng Salitang Balbal Sa Araw-Araw Na Pamumuhay Sa Kahusayan Sa Pagsulat Ng Akademikong Sulatin Ng Mga Mag-Aaral Ika-11 Na Baiting Sa Holy Rosary College, Narekober mula sa: https://www.scribd.com/document/448428638

 

Bentuzal M. (2020) Antas ng Wika Batay sa pormalidad, Nabawi mula sa: https://www.slideshare.net/MaryEliezaBentuzal1/antasngwikabataysapormalidad?from_action=save

 

Daypuyart,          R         (2017)        Antas         ng         wika,         Nakuha        mula         sa:

https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/antas-ng-wika-77091438

 

Espinosa, M. (2019) Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya Ng Neolohismo Sa

Kasanayan             Sa            Pakikipagtalastasan,            Narekober            mula            sa:

https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/7788

 

Ki. (2020) Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan, Nabawi mula sa: https://philnews.ph/2020/11/05/pagkakaiba-ng-balbal-at-kolokyal-halimbawa-atkahulugan/#google_vignette

 

N.A. (2018) Kahulugan ng neologism, Nakuha mula sa: signifikanados.com

 

Pillo, M. (2019) Mga Epekto Ng Salitang Balbal At Salitang Kanto Sa Wikang Filipino, Nakuha mula sa: Filipino Thesis - PDFCOFFEE.COM

 

Pimat, J. (2016). Mga uri ng neologism. Paano Sumulat ng Mahusay. Narekober mula sa: comoesificarbien.com.

 

Pondevida, D. (2020) LODING GENZ: PAGGALUGAD SA PETMALUNG WIKANG

BALBAL: Nakuha mula sa: https://www.academia.edu/59974398

 

Quia, L. et. al. (2018) Pag-Aaral Tungkol Sa Epekto Ng Paggamit Ng Mga Salitang Balbal

Sa Piling Mag-Aaral Ng 11 Abm, Nakuha mula sa: https://www.academia.edu/36190494

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA