Posts

Showing posts from April, 2022

TEKSTONG PROSIDYURAL - ANG PAGGAWA NG TULAY

Image
  ANG PAGGAWA NG TULAY Unang Hakbang Ang unang hakbang ay ang pagpapalano at pag-inspeksyon sa lugar kung saan itatayo ang proyekto. Kasama sa pagpaplano ay ang mismong kabuuan ng magiging resulta ng tulay na gagawin at ang proseso sa pagbuo nito ay inilalatag kaugnay nito ay ang disenyo ng gagawin. Maaaring sa computerized na paraan o sa pasulat na paraan ng plano. Ang pag-inpeksyon naman ay binubuo ng poagsusuri sa lupa, lalim, layout ng lupa at iba pang elemento katulad ng behavior ng tulay at kasama na rin ang kondisyon ng kalikasan. Ikalawang Hakbang Ang ikalawang hakbang ay ang pagbuo at pagtatakda ng pundasyon. Matapos ang pagpaplano ay pipili ng matatag na lokasyon at nagtutulak ng mga suporta sa tambak na lupa. Ang paglalagay ng pansuportang haligi ay nakapaloob din dito na siyang magsusuporta sa mga ibang pagkakataon sa pagbuo ng natitirang bahagi ng tulay. Ikatlong Hakbang Ang ikatlo ay ang pag-install ng piers iba pang pansuporta. Pagkatapos mailagay ang mga

TEKSTONG IMPORMATIBO - NEOLOHISMO

                    TEKSTONG IMPORMATIBO                                                                            “NEOLOHISMO”                                                           RIVERA, JHOREL BRYAN M.                                                                                      BSCE 3-1              NEOLOHISMO   Ang salita ay isa sa   pinakamakabuluhang bagay na mayroon sa mundo. Sa pagbuo nito ay ang pagbuo rin ng kasaysayan at nagpapatuloy kahit saan man. Sa paglikha nito ay may tinawag na Neolohismo na isang paraan upang madagdagan ang salitang likha at tawag sa isa o higit pang bagay. Ito ay ang pagbuo ng salitang may bagong pandama, bagong coinage , mga hangong salita, pagdadaglat o pagpapaikli at marami pang iba na kinokonsidera bilang wika noon pa man. Ang paglitaw nito ay may koneksyon sa pormal na edukasyon at sa mga salitang nabibilang din ditto na kung tawagin naman ay balbal at ko

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM

KATOTOHAN AT KASAYSAYAN: IBA ANG MAY ALAM  ni JHOREL BRYAN M. RIVERA          Dapat bang sang-ayunan ang ginagawang pananakop ng Russia sa ba bansang Ukraine? O dapat maging taliwas ang opinsyon natin dahil sa  mga posibleng mangyari sa pagpapatuloy ng digmaan ng mga bansang ito? At sa kaakibat na kahihinatnan nito ay ano kayang magiging epekto nito sa mundo at maging sa mundo ng pag-iinhinyero? Tunay ngang napaka-init ng usaping ito ngayon at dapat bigyang pansin. Nararapat lang din na magbigay ng papanigan ang isang indibidwal ukol ditto. Malaking parte ang pangyayaring ito sa ating buhay kung kaya’t nararapat lamang na bigyang pansin ang digmaang ito at dito ko napag-isipan at nakalap ang pagpanig ko sa argumento ukol sa usaping ito.          Sa digmaang nagaganap sa pagitan ng Ukraine at Russia ay hindi lamang ito babago dahil sa aking nakalap na impormasyon ay may mas malalim pala itong pinagmulan at yan ay nasagot ng kasaysayan. Itong hidwaang ito ay nagsimula taong

BAYAN O SARILI

  BAYAN O SARILI Ang Kabataan ay sinasabing pag-asa ng bayan. ngunit paano ito magiging isang ganap na katotohanan kung ang mga ito ay may sarisariling hadlang sa pagkamit ng pag-asang bayan at sarili ang makikinabang. I.           Adhikain ng ating bansa A.    Pagpapaunlad ng ekonomiya B.    Kaligtasan ng mamamayan C.    Pagkakaisa ng buong nasasakupan   II.         Hadlang sa mga kabataan A.    Walang kakayanan B.    Mga bisyo nakakahila sa mga ito pababa C.    Kakulangan sa gabay ng nakakatanda III.      Mga hakbang sa pag-abot ng kaunlaran A.    Kaayusan ng lahat ng mamamayan mapa-anong edad B.    Pagtulong sa iba tungo sa kabutihan hindi sa kasamaan C.    Sama-samang pagtagumpayan at walang lamangan                     BAYAN O SARILI   Hakbang pasulong na! Kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa. Marahil lahat sa atin ay alam kung saan ang pinanggalingan nitong unang mga binanggit kong salita. Dito ay papasok agad sa ating isipan ang kasanayan ng a

HALALAN! 'Yan Na Naman

Image
 

KAUGNAYAN SA LARAWAN

Image
KAUGNAYAN SA LARAWAN Pangkalahatang Panuto: 1. Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato. 2. Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay. 3. Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas. 4. Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan. 5. Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan.  

PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA

 PANGKATANG GAWAIN: PAGSASALIN NG WIKA Diestro, Monica Laica Flores, Aira Zylene B. Laniog, Christine Joyce T. ManguiatCharisse Chelsea J. Montano, Charles Deiniel O. Quirona, Roel Gilbert B. Rivera, Jhorel Bryan M. Salisi, Karla Joi P.                Ang pandemyang dulot ng Covid-19 ay lubos na nakaapekto sa buong sistema ng edukasyon, humigit lalo na sa mga unibersidad, at nagdala ito ng bagong yugto sa edukasyon na kung tawagain ay "e-learning." Ang mga pag-aaral na sinusuportahan ng elektronikong teknolohiya tulad na lamang ng mga online na klase o kaya nama’y pagkakaroon ng koneksyon sa mga portal ng kanilang mga kurso ay kilala sa tawag bilang e-learning.                Ngunit, kahit napakarami mang uri na ng plataporma at online educational resources ang nagagamit ng mga mag-aaral maging ng mga guro, pinagtitibay ng isang pananaliksik na sila pa rin ay lubos na nahihirapang makasabay sa online na estilo ng pag-aaral. Narito ang ilan sa mga problema na kinilala a

Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

Image
 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral Diestro, Monica Laica Flores, Aira Zylene B. Laniog, Christine Joyce T. Manguiat Charisse Chelsea J. Montano, Charles Deiniel O. Quirona, Roel Gilbert B. Rivera, Jhorel Bryan M. Salisi, Karla Joi P. Talahanayan Bilang 1 Kasarian ng mga Kalahok / Impormants Interpretasyon       Ang mga datos na aming ipinapakita ay mga impormasyon patungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral. Sa mga nakalap na mga datos, maipapakita sa unang grapiko ang bilang ng mga kasarian ng mga nakilahok sa isinagawang pananaliksik. Ayon sa datos, ipinakikita na pantay at tig-kalahati ang nakalap na bilang at porsyento ng mga importants na babae at lalake. Ipinakikita sa unang grapiko na (90) siyamnapu ang nakalap na mga impormants sa nasagawang pananaliksik, kung saaan (45) apat napu’t lima o kaya’y (50%) singkwenta porsyento rito ay kababaihan gayundin sa kalalakihan na may (45) apat napu’t lima

UNANG GAWAIN

Image
      Anumang hirap na maranasan, hindi maikakaila ang sakripisyo ng isang tao lalung-lalo na ang mga ina. Sila ay handang gawin at isaalang-alang ang lahat para sa mga mahahalagang bagay na hindi lang sa ikagiginhawa ng iba kung’di para na rin sa nakararami. Sa mga simpleng salita na ating matututunan ay marami tayong bagay na madadala natin na magiging kapaki-pakinabang.